Kanina bago maglipat taon ng 2005, pumaimbabaw sa tunog ng mga paputok ang lagatok ng mga boteng humahampas sa semento. Sumilip kami sa bintana at nakita ang pagsugod ng mga taga-kabilang ibayo sa lugar namin.
Riot na naman.
Tumawag ako sa Diyes pero ni hindi alam ng pulis kung saan yung lugar namin. Nagbigay pa ako ng direksyon. Dumami ang mga sumusugod. May dalang dos por dos, mga bote, sumpak pa yata. Matapos ang sampung minuto wala pa ring dumarating na tulong. Tumawag kami sa 171. May nagreport pa raw pero wala pa ring mga pulis. Naka-dalawang tawag pa akong muli sa istasyon.
Nung sa wakas nakita namin ang blue at pulang ilaw ng mobil, wasak na yung mga windshield ng mga nakaparadang sasakyan. Sabog na yung mga ilaw sa poste. Makapal na ang usok sa kalsada. May mga dinakip pero ganun pa rin naman. Nung isang taon ganitong panahon nagka-riot din. Muli, nagbabalak kaming pataasin ang bakod. Pero alam pa rin naming wala makakapigil sa mga siga pag sumiklab na ang rambol sa kalye.
Ganito ang bagong taon sa lugar namin. Pasiklaban ng mga pasaway.
No comments:
Post a Comment