Wednesday, October 1

first song syndrome

sintang paaralan
tanglaw ka ng bayan
.
pandayan ng isip
ng kabataan.
kami ay lumaki
na salat sa yaman.
hanap na dunong
ay iyong alay.

ang layunin mong makatao
dinarangal ng pilipino
ang iyong aral,
diwa, adhikang taglay
PUP aming gabay
Paaralang Dakila
PUP, pinagpala.

------

ang weird pero yan ang first thought na nagpop sa consciousness ko kaninang umaga. hindi pa nga masyadong gising nun. siyempre napa-what da? ako.

then i remembered na october 1 pala ngayon. foundation day ng peyups.

at lalong weird kasi after not hearing nor singing it for like seven years, bigla siyang nag-pop sa utak ko. semi-conscious pa ako nun ha. oh well. happy foundation day sa lahat. may perya kaya ngayong taon?

Maroons forever baby,
kantogirl from Batch 96

No comments: