Wednesday, September 9

The Ex-Future First Lady

This comes from the Professional Heckler and reminds me so much of the stories I heard before:

Top 10 Messages Left on Korina Sanchez’ Answering Machine

No. 10: Hello ‘nak, si Nanay Cristy Fermin mo ‘to. Isaisip mo sa tuwina, ang Poong Maykapal ay hindi nagbibigay ng pagsubok na hindi kakayanin ng Kanyang nilalang. Malalampasan mo ‘yan ‘nak. Teka lang, ‘nak, ‘yong pangako mong sobre, ‘di ko pa natatanggap.

No. 9: Hi Korina, sa ABS-CBN newsroom ‘to. We’re all here! Guys, altogether now. One… two… three! Ang saya-saya!

No. 8: Hello Korina, Cynthia Villar here. I don’t expect you to believe me but… ramdam kita. Andun ka na eh! Todo-effort ka na eh! Nag-leave ka pa nga ‘di ba? ‘Tapos, biglang uurong?! Ang sakiiiiiiit! Ang sakit-sakit! Tisyu! Penge akong tisyu!

No. 7: Hi Ma’am, si Abby po ito, secretary ni Dr. Palayan. Gusto pong malaman ni Doc kung gagamitin n’yo pa ang luma n’yong pisngi. Naiwan n’yo raw kasi sa clinic last week.

No. 6: Korina, this is Mel. Yup, Mel Tiangco. Wala lang.

No. 5: Hi Korina, si Sharon ‘to. What you said about Kiko was hurtful. You were never his partner. You are not his wife! Kaya ‘di mo siya nirerespeto. Madrasta ka lang! Madrasta!

No. 4: Hi friendsheeeeeep, this is Kris. Alam mo, I heard your interview sa radio last week and in fairness to you huh, may potential ka sa drama. Promise! Sabi ko nga kay Ms Charo, i-guest ka sa MMK eh. O sige, need to go. Nangungulet na si Josh eh. Humihingi ba naman ng one gallon of ice cream. Gosh, he’s consumed two gallons already ‘noh. Ahah-ahah-ahah! Bye sis! And give my regards to Vice President Mar.

No. 3: Korina, it’s Conrad De Quiros of Inquirer. I just realized, I might have erred in saying that Mar was power hungry. He’s not. But you are!

No. 2: Hon, alam kong nandiyan ka. Alam kong nakikinig ka. Sagutin mo naman ang tawag ko oh. Bakit ba ayaw mo ‘kong kausapin? Ilang beses na ‘kong nag-sorry sa naging decision ko ‘di ba? ‘Tsaka sabi mo sa press, okay lang sa ‘yo ang nangyari. Hon, hello? Hon? Tang-ina hon, ‘pag ako napikon si Noynoy ang papakasalan ko.

And the No. 1 message left on Korina Sanchez’ answering machine…

Hello Korina! Apologies for what happened last week at Club Filipino. Nagmamadali kasi ako kaya nabundol kita. Siyanga pala, si Karma ‘to.

And from Good Times Manila, news about the "strange guttural noises" from Korina Sanchez's house.

1 comment:

jad.monsod said...

Anggaling! Sobrang natawa ako lalo na dun sa number 1 message. ;) Karma!